Friday, 15 April 2016

SABAW

Hindi ko akalain na dadating ang araw na pupunta ka sa bahay namin. Dumating ka at kinausap ang nanay ko. Tinanong mo kung maaari ba akong lumabas kasama ka. Pumayag naman sya.

Pumunta tayo sa isang bangka. Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng pupwede nating puntahan sa bangka mo napili. Ano bang meron don? Nauna kang pumunta sa itaas tapos habang andon ako sa may hagdanan paakyat may hawak hawak kang maliit na kahon habang ako nag-iisip kung ano ba ang maaaring laman noon.

Pero alam mo kung anong pinakamagandang pangyayari noong araw na yon. Iyon ay yong nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Oo. Panaginip lang ang lahat ng iyon. Ang saya diba?

Thursday, 28 January 2016

Tangled

So, I bought this book entitled "The Art of Tangling" on sale last September. I saw some tangling arts on Pinterest before and I was really amazed. So I thought of doing it. It's been months before I got to finally try it. 

I just want to share few of my works. 


Here's my very first try. I found the quotation on twitter. 

"Will I be something? Am I something? And the answer comes: You already are. You always were. You still have time to be." @PoemsPorn


I really love cakes and cupcakes. So for my second entry I tried this. 


Here's another quotation. 

"Nothing ever happens like you imagine it will." -John Green:Paper Towns



And that's it for now. I know the photos were of poor quality. Bear with me, please.

'Til next tangling. 

Ciao. 





Wednesday, 27 January 2016

Monkey, Monkey

Confession 101: di naman talaga ako maka-planner. Nag college nga ako, di ako naka bili kahit Isa. Pero, during our internship (during our last term in college), together with my friend napadpad kami sa bookstore. Bibili sya ng planner kasi nga ga-graduate na kami and it's time to plan and take things more seriously. Ako naman si gaya-gaya, kaya bumili na din ako. Pero di ko naman talaga hilig ang planner before, kasi tamad ako. Isipin ko pa lang na mag-update araw-araw sa planner parang di ko naman kaya. Update pa sa Twitter or Facebook kayang-kaya ko, pero pag usaping planner na... Never nga ako nagkaroon ng diary, kasi tamad talaga ako mag-update, sa simula lang ako magaling. 

Pero nitong nakaraang apat na taon, naging parte na sya ng everyday life ko. For the past two years, yong planner ko or I prefer to call it journal kasi more on kwento naman ang mga sinusulat ko at bihira ang plano, eh ginagawa ko na lang. Ang mahal naman kasi talaga ng planner. Lalo na yong magagandang designs. Kaya nag-decide na lang ako na gumawa na lang. Para less gastos at masusunod ko pa yong layout na gusto ko. 

I just want to share a peek of my 2016 journal.......


The empty spaces here are the spots where will I note my everyday happenings. Like when I went out, I will just put here "day-out" or the place I visit, or the title of a movie I watch during that day or episodes of a TV show. Or something special that happened that day. Just for short notes.


This is where I will scribble my everyday thoughts. When I'm happy, sad or in pain *chos*. 


These are some of my monthly activities to do. Something to do during the day, to kill the boredom.


And here are some of the extra pages. The two pages with blank spaces are for my expenses, the other two with a quotation and "2016" are for the first and second page. 


And there goes the sneak peek. Pinterest was really a great help. I got there all the backgrounds and the idea about the monthly prompts. Also the extra pages, I just added the backgrounds and add some texts.

Ciao. 

Thursday, 31 December 2015

BALLOON

I want to cut loose my feelings
I want to let go my frustrations
I want to desert all the hurt

I want to vacate the pain
I want to discard all the rejections
I want to kiss goodbye sadness

I'll just pretend that I'm holding a balloon
I'm about to release in 3, 2, 1
Up, up and away
It's time to say goodbye to my feelings


Let's Do This

Ilang oras na lang tapos na ang taong 2015. Hello 2016 na. Yahoo!!! Excited na ako and at the same time ayoko pa matapos ang taon. Basta, natatakot pa akong magsimula ulit. Ayon oh! Ang arte lang. Haha.

Hindi ganoon kakulay ang 2015 para sa akin. Pero hindi din naman sya naging masama. Sakto lang sa panlasa. Madami akong napagtanto. Unti-unti kong nakilala ang sarili ko ng lubusan. Mga gusto at ayaw ko. Imagine! 24 years na akong nabubuhay sa mundong ibabaw, pero lately lang ako naging aware sa mga likes and dislikes ko. Grabe sya. Pero, nabasa ko (di ko lang tanda kung saan) normal lang naman daw na sa gantong edad ay di ka pa totally aware sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Kaya, normal pa ako.

Isa sa mga bagay na napagtanto ko ngayong taon, lahat ng tao ay nagbabago at walang makakapigil sa kanila. Tanggapin ko man o hindi, aminin man o hindi, pero nagbabago talaga. At na-realize ko na kailangang tanggapin at respetuhin iyon. Kasi, malay mo, ikaw, nagbago ka na din pala ayaw mo lang aminin. Kaya, respeto na lang. Napag-isip-isip ko din na hindi mo pupwedeng ipilit ang mga bagay na hindi naman talaga pwedeng mangyari. Same way na hindi mo pwedeng pilitin ang isang tao sa ayaw niyang gawin. Simple lang yan. Sabi nga sa kasabihan, "kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan." Just take it from there. Simple as 1, 2, 3. Wala kang magagawa kung ayaw niya.

Ngayon, mas gusto ko na na na-cha-challenge ako. Masukista na ako ngayon. Chos. Mas gusto ko na yong nahihirapan ako, kasi alam ko mahirapan man ako ngayon, there's always a rainbow after the rain. Sige lang ma-disappoint na ako ngayon, at least bukas sanay na ako sa pakiramdam at hindi na ako maninibago pa. Na-realize ko din na pu-pwede namang magpahinga, pero bawal ang sumuko. Madami akong gustong mangyari sa buhay ko at kapag sumuko ako anong chance na mangyari sila. I was on the verge of giving up this 2015. Pero naging malinaw sa akin ang mga gusto kong mangyari. May goal akong gustong ma-achieve ngayong 2016 at kailangan mangyari iyon. Yon ang nagsisilbing motivation ko para sa papasok na taon. Sana tulungan ako ni Lord na ma-achieve yon. Di ko na kailangang sabihin kung ano iyon, sa amin na lang yon ni Lord.


  • Kaya naman.........2016, I'm ready, let's do this.


Unggoy, nakahanda na ang saging para sa iyo. :)

Sunday, 8 November 2015

Stone Heart

She got tired of being miserable
She doesn't want to be vulnerable
She got tired of being disappointed
She doesn't want to be frustrated

She wants to be strong
She craves for freedom
She wants to be fierce
She craves for contentment

She no longer want loneliness
All she wants is happiness
She no longer want to be sensitive
Because what she wants is have a heart of stone

Tuesday, 20 October 2015

Ang Hubad Na Katotohanan

BABALA:
(Asawa ni...????)
Ito ay nobela. Read at your own risk. Okay?

Yong totoo, di naman talaga ako writer/blogger. Ako ay isang simpleng mamamayan ng Pilipinas sa probinsya ng Batangas. Gradweyt ng Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa isa sa mga pamosong Unibersidad dito sa Batangas. (Diba? Anong sinabi ng "pamoso"?) Yong totoo, gusto ko talagang maging abogado. Kaso, akala ko dati walang Pre-Law course sa gusto kong school na pasukan. Meron naman pala. Inisip ko nga na mag-shift ng course nong malaman kong meron naman pala. One week after ng school opening, inisip ko mag-shift, kasi feeling ko mali yong course na pinasok ko. Eventually, na-realize ko na di naman pala talaga para sa akin ang Abugasiya. Bakit? Kasi diba ang mga abugado matatapang, may paninindigan sa sarili, matibay at malakas ang loob, magaling. At ang mga bagay na iyon ay hindi ko tinataglay. Pinangarap ko din na maging isang Flight Attendant. Pero eventually (ulit) na-realize ko (ulit) hindi ako nababagay sa propesyon na iyon. Di ko na kailangan pang i-explain at i-down ang sarili ko kung bakit hindi ako nababagay doon. Okay?

Moving on, so ayon na nga. Wala naman talaga akong professional  background sa pagiging isang writer. Naisipan lang dahil wala akong magawa sa buhay. Naghahanap naman ako ng trabaho, tinatawag naman for interview, kaso lagi na lang akong bigo. Hanggang sa napagod na ako. Kaya pahinga na muna. Nakakasawa din kayang ma-reject ng ma-reject. Moving on na ulit, hangang-hanga kasi ako sa mga writers/bloggers. Lalo na kapag yong mga nababasa ko eh overloaded with English language. Tumataas yong tingin ko sa taong nagsulat. (Mga sing taas ng Mt. Everest. Chos lang.) Para sa akin kasi, reflection ka nong isinulat mo. Kapag yong isinulat mo ay punong-puno ng sense and substance, ibig sabihin lang na hindi ka basta-bastang tao lang. Ibig sabihin lang na mataas ang pinag-aralan mo, nagmula ka sa magaling na pamilya, ka-respe-respeto ka, may breeding ka at higit sa lahat matalino ka. Di ko alam kung saan ko nakuha yon, basta ganon yong tingin ko. Kaya siguro pinapangarap ko maging isang writer, kasi gusto ko din hangaan ako. Gusto ko din na tumaas yong tingin ko sarili ko. Siguro kaya gusto ko din maging Abogado, kasi gusto ko din maging matapang at gusto ko din magkaroon ng paninindigan sa sarili ko. In short, gusto ko may patunayan sa sarili ko. Gusto ko mapabilang sa mga taong magagaling. "Magaling!!!"............BIG word. Pero, iyon kasi ang totoo. Tinry ko maging writer, sa isa sa mga website na nag-o-offer na magsulat ng tungkol sa iba't-ibang topic. Unang try, reject, for revision. After revision, reject pa rin. Hanggang dalawang revisions lang ata iyon. Nong second time na pina-revise sa akin, di ko na ginawa. Wala kasi akong tiyaga na mag-revise ng mag-revise. After ilang months, nag-try ulit ako, at for the nth time, reject na naman. So okay, Siguro di talaga para sa akin ang pagsusulat. Akala ko lang pala na magaling ako.

Hindi ko naman talaga hilig ang magsulat. Basta ang alam ko lang, nong pumapasok pa ako at pinagsusulat kami ng creative writings, kapag pahabaan lang din naman ang usapan ay hindi naman ako papatalo dyan. Deadma na kung may sense ba o wala yong sinulat ko, basta mahaba sya. Di uso sa akin ang summary, kwento kung kwento. Sa pagsusulat ko inilalabas yong daldal ko. Kasi sa totoong buhay, di naman talaga ako masalitang tao. Minsan ko nang nadinig na kapag daw sa chat or text madami akong sinasabi, pero kapag kausap na ng personal o sa telepono, wala naman daw akong masabi. Eh anong magagawa ko? Eh ganon talaga eh. Kaya ngayon kahit sa chat matipid na din akong magsalita, natututo na din akong mag-summary para wala na silang masabi. Di ko talaga hilig magsalita, pero inambisyon ko talaga maging host ng isang major event. (Oo, isa yon sa mga pangarap ko talaga.) Masasagot lang kita ng isang buong sentence kung: a. Hindi answerable by Yes, No, Maybe, Oo, Hindi or Ewan yong tanong mo. b. Ako lang ang makakasagot ng tanong mo or c. Super close tayo. May mga pagkakataon kasi na ayaw ko talagang magsalita, either wala ako sa mood or ayaw ko lang talaga magsalita.

Sa pamamagitan ng pagsulat, nailalabas ko yong mga di kayang sabihin ng bibig ko verbally. Feeling ko din naman kasi walang interesado makinig sa mga kwento kong walang kwenta. Kaya naisipan ko ang mag-blog, para mailabas ang mag saloobin ko. Unang blog site na ginawa ko, wala namang entry. Yong pangalawa, ayon yong madaming posts, 41. Madami din yong page views, (naks, super proud). Pero before ako nag 24th birthday, isinulat ko na don ang aking farewell speech. (Visit reegynabunquin.blogspot.com kung interesado kang mabasa iyon.) Ni-let go ko na ang page na iyon. Hindi kasi ako yon, madaming pretensions don. Hindi naman talaga ako fluent mag-English pero mga entry ko don almost English lahat. Madami don wrong grammar at yong mga construction ng sentences mali. (For the sake of pag-fe-feeling professional blogger, nagpaka trying hard ako.) Although, totoo naman mga sinabi ko don, yon nga lang, the way na sinulat ko masyadong mapag-panggap. Tapos yong page views, 1466 page views yon pero konti lang naman ata ang totoo don ipinangampanya ko kasi yon. Before ako mag 23rd birthday nag-aim ako na maka-reach ng 1000 page views. Na-achieve ko naman, kaso ipinangampanya ko kasi yon sa twitter. Sabi ko paki visit non site, kahit wag nang basahin, basta lang ma-achieve ang 1000 page views. Masaya na na-achieve ko yon, kaso di naman tunay. Mga 5 seconds lang na masaya. Pero na-realize ko n di pala ako sa page views sasaya. Masaya na pala ako sa dagdag na isa o dalawang views at least iyon hindi ko ipinangampanya. Di ko alam kung paano nila nalaman yong blog site ko na yon, basta nadagdagan yong views nong blog ko at hindi ko naman siya ipinangampanya. Mas gusto ko pala na mabasa ng ibang tao kasi interesado sila, kesa nabasa nila kasi sinabi ko. Karamihan din ng entry ko don mga may pinagdadaanan. Kaya gusto ko na mag move on sa lahat ng iyon. Gusto ko bagong chapter na. Gusto ko na ng fresh start, at dito ko gagawin yon sa blog na ito. Pipilitin ko na masasaya lang ang i-share ko dito. Ang sabi nga ni Leona Lewis sa isa sa mga kanta niya:
"I gotta find my place, I wanna hear my sound
Don't care about all the pain in front of me
'Cause I'm just trying to be happy,
Just wanna be happy"

Di ko alam kung anong ipinaglalaban ko at isinulat ko ito. Di naman ito presinto para pagpaliwangan ko. Pero, kasi................... Basta. Di ko alam kung pano ko tatapusin ang nobelang ito. Siguro babatiin na lang kita ng CONGRATULATIONS ***with matching confetti shower*** kasi napagtiyagaan mong basahin itong nobelang ito at natapos mo. THANK YOU na din sa iyo kasi nagtiyaga ka.

Bye, 'till next time. Okay?